Tuesday, May 28, 2013

Akala niyo madaling mang-Friendzone???



AN OPEN LETTER TO SIR RAMON BAUTISTA for Tales from the Friendzone:

Dear Sir Ramon,

Tales from the Friendzonee.

Ako po'y may idudulog ngunit gusto ko lang sabihin sa inyo: ang dami niyong reklamo dahil naf-friendzone ang karamihan sa mga fans niyo. Pero natanong niyo na ba ang side ng friendzonee? Kung gaano kahirap mag-maintain ng friendship sa opposite sex? Akala mo mabait siya sayo dahil magkaibigan kayo, yun pala pino-prospect ka lang as syota. Mas lalo na pag akala mo special friendship ang meron kayo, nilalagyan na pala ng kakaibang kulay ang friendship na binibigay mo. Nakakalungkot kaya mawalan ng kaibigan dahil duon. Ang mas nakakalungkot, pano na kaming mga babaeng mas madaming lalaking kaibigan kesa sa babae :(

Ganito ang nangyari sakin. Madami akong lalaking kaibigan DATI. Siguro kasi maayos akong makisama sakanila. Minsan nga nakakalimutan ko ng babae ako pag kasama ko sila.
Nakatulong din siguro na ang gusto ng mga lalake, gusto ko din mas lalo na ang computer games. Madali rin akong dalhin, di masyadong maarte. Gusto ko na nga maging tibo dati eh. Hehe.

Madami na akong "na-friendzone", sinasadya at di sinasadya. Di ko siya pinagmamalaki. Bagkus, nalulungkot ako dahil wala akong magawa. Ayaw ko naman kasi sila ipaasa dahil nirerespeto ko ang nararamdaman nila. Nasasayang ang friendship at mga pinagsamahan. Halos lahat ng mga naging naka-close ko, pinrospect ako.

Meron ding times na magkaibigan lang talaga kayo at wala naman siyang balak ligawan ka. Pero... di ko alam. Siguro ang mga guys talaga kapag binigyan ng extra attention o pansin ng mga babaeng nakakasama nila, nahuhulog na din sila. Meron akong tropa na sobrang close ko dati (nalulungkot ako ngayon na di na kami close ngayon), naging dedication niya sakin ang "Minamahal Kita" by Parokya ni Edgar. Yeah, siguro nga karamihan sakanila ganon ang na-experience nila sakin. Sa tingin ko ito rin dapat ang maging theme song ng mga na-friendzone. Sa tingin niyo po sir Ramon?

Meron pang isang factor! Madalas ang mga friend guys ko na nagkakaproblema sa girlfriend o bagong hiwalay, ako ang binabalingan o nakikita. Sir Ramon, bakit kaya sa tingin niyo?

Mas lalo na ngayong may boyfriend na ko. Mas lalo ako naubusan ng lalaking kaibigan. Nagiging ka-close mo, tapos pag nalamang may boyfriend ka biglang wala na. Pino-prospect ka lang pala. Nakakalungkot dahil sa mga lalaki ako nakaka-relate ng husto. Para sakin, mas masayang kasama ang mga lalaki kesa sa mga kapwa ko babae. Paano sa tingin niyo maiiwasan to? Ayoko ng mawalan pa ng mga kaibigan lalaki T_T



Lubos na gumagalang,
Vernice



comment below kung nararanasan niyo rin ito :)

3 comments:

  1. Hi Im yna, not my real name, I do believe with dis kung gaano nga din kahirap na mang friend zone, Isa ka sa mga mawawalan ng friendship. Before parang napakadali lang for me na sabihin yon but now idunno just can't find my words to say unto someone kung pano ifriendzone in a way na di naman maka kasakit ng feeling, ewan mas Babae pa nga sakin yun (pero lalaki sya). I need help, need some tips to say Para naman matahimik na din ako

    ReplyDelete
  2. Hi Im yna, not my real name, I do believe with dis kung gaano nga din kahirap na mang friend zone, Isa ka sa mga mawawalan ng friendship. Before parang napakadali lang for me na sabihin yon but now idunno just can't find my words to say unto someone kung pano ifriendzone in a way na di naman maka kasakit ng feeling, ewan mas Babae pa nga sakin yun (pero lalaki sya). I need help, need some tips to say Para naman matahimik na din ako

    ReplyDelete
  3. Hi Im yna, not my real name, I do believe with dis kung gaano nga din kahirap na mang friend zone, Isa ka sa mga mawawalan ng friendship. Before parang napakadali lang for me na sabihin yon but now idunno just can't find my words to say unto someone kung pano ifriendzone in a way na di naman maka kasakit ng feeling, ewan mas Babae pa nga sakin yun (pero lalaki sya). I need help, need some tips to say Para naman matahimik na din ako

    ReplyDelete